ECQ sa Metro Manila umarangkada na; checkpoints pinilahan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ECQ sa Metro Manila umarangkada na; checkpoints pinilahan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 06, 2021 08:32 PM PHT

Clipboard

Trapiko sa checkpoint sa Kamaynilaan nitong ECQ. Jervis Manahan, ABS-CBN News
Trapiko sa checkpoint sa Kamaynilaan nitong ECQ. Jervis Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA - Umarangkada na ang enhanced community quarantine sa Kamaynilaan nitong Biyernes.

Sa ilalim ng ECQ, mga essential business lang ang pinapayagang magbukas at mga essential worker at authorized persons outside residence ang pinapayagang lumabas.

Kasabay nito, mabigat na mga pila ang sumalubong sa ilang inilatag na checkpoint sa Metro Manila dahil sa pangangailangang ipakita ang mga dokumento na nagpapatunay na APOR o essential worker ang dadaan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa boundary ng San Jose, Del Monte sa Bulacan at Caloocan, madaling araw pa lang ay may trapiko na.

ADVERTISEMENT

Marami sa mga motorista ang nakiusap sa pulis na palusutin sila pero hindi sila pinayagan dahil kulang ang mga dokumento.

Ang mga residente ng Bulacan naman na hindi APOR ay papayagang pumasok sa probinsiya pero matitiketan dahil sa paglabag ng curfew hours.

Aabot sa higit 40 motoristang papasok dapat ng Bulacan ang hindi pinalusot sa nasabing checkpoint, habang 31 motorista naman ang hindi pinayagang makalusot ng pulisya pa-Caloocan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matindi rin ang trapiko sa San Mateo-Batasan Road dahil sa checkpoint dahil isang lane lang ang inilaan para sa mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ayon sa ilang motorista, umabot na sa Montalban sa Rizal ang pila ng mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

Tiniyak din ni Quezon City Police District director Antonio Yarra na negatibo sa COVID-19 ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint.

Sa Pasay City naman ay nasita sa checkpoint ang pitong banyagang Chinese at Vietnamese.

Binigyan sila ng curfew violation ticket dahil walang maipakitang company ID o iba pang dokumentong magpapatunay na sila ay APOR.

Sinita rin ang isang van na overloaded sa hiwalay pang checkpoint.

Naglatag naman ng apat na border checkpoint ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.

ADVERTISEMENT

Ito ang San Pedro-Tunasan; Sucat-Taguig; Biazon Road-Alabang; at Alabang-Zapote road.

Paalala naman ng Muntinlupa LGU na ilabas na ang mga dokumento oras na dumating sa checkpoint para hindi na humaba ang pila.

"Natuto na tayo last year, so kumbaga nag-practice na tayo doon, praktisado na tayo at i-implement natin 'to ulit, mas mahigpit nga lang kaya dapat hindi na tayo naninibago, ilabas ang ID, pakita 'yung mga APOR na lalabas, at 'yung magpapa-schedule ng bakuna at magpapabakuna, ilabas lahat," ani Muntinlupa Public Information Officer Tess Navarro.

Matatandaang inilagay ang Metro Manila sa ECQ, ang pinakamahigpit na quarantine restriction level na ipinapatupad ng gobyerno, dahil sa pagdami ng COVID-19 cases at banta ng Delta variant.

Magtatagal ang ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.

— May mga ulat nina Jervis Manahan, Anjo Bagaoisan, at Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.