Fetus, iniwan sa bus sa Laoag
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fetus, iniwan sa bus sa Laoag
Kim Lorenzo,
ABS-CBN News
Published Aug 08, 2017 12:35 AM PHT

LAOAG CITY- Laking gulat ng mga driver at konduktor sa Laoag-Badoc bus terminal sa Laoag City matapos madiskubre ang fetus na di umano'y isinilid sa isang plastic bag at iniwan ng pasahero ng pampasaherong bus noong Linggo.

Ayon kay Jong Magbaleta, nakita ang fetus sa ibaba ng upuan ng pampasaherong bus habang nililinis ito ng konduktor.

"Galing sa bayan ng Badoc 'yung bus at kararating lang dito sa terminal kaya naglinis agad 'yun konduktor na si Eddie. Habang naglilinis siya nagku-kuwentuhan naman kami at nakita niya 'yun plastic sa ilalim ng upuan na akala raw niya ay karne ng baboy na naiwan lamang ng isang pasahero," aniya.

Dahil sa biruan na maari pa itong lutuin, binuksan nila ang plastic at nakita na fetus pala ang laman nito.
Dahil sa biruan na maari pa itong lutuin, binuksan nila ang plastic at nakita na fetus pala ang laman nito.
ADVERTISEMENT
Kinumpirma ng pulisya na fetus nga ito at agad pinadasalan at inilibing sa isang sementeryo.

Hindi namukhaan ng konduktor ang dalawang babae na nakaupo malapit sa pinag-iwanan ng fetus.

Paalala ng Simbahang Katolika, respetuhin ang buhay ng bawat bata.

"Respetuhin natin ang buhay ng mga ito. Hindi natin alam kung anu ang nangyari pero sana dalhin sa atin para maalayan ng dasal at mabigyan ng maayos na libingan," Msgr. Joey Ranjo Jr., tagapagsalita ng Diocese of Laoag.