Mga reklamo sa mabagal na laptop ng mga guro, tutugunan: DepEd

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga reklamo sa mabagal na laptop ng mga guro, tutugunan: DepEd
Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2022 02:02 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2022 08:51 PM PHT

(UPDATE) Tiniyak ngayong Miyerkoles ng Department of Education (DepEd) na tutugunan nito ang reklamo ng mga guro sa mabagal na laptop.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, makikipag-ugnayan sila sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na siyang bumili ng laptops.

Puwede kasing igiit ng ahensiya ang warranty provision sa pagbili ng mga laptop at maaaring magawan umano ng paraan na ma-upgrade ang specification o mapalitan ang mga ito.

"When we invoke the warranty provisions of the supplier, doon na natin pag-uusapan, kung may magagawa pa sila diyan o papalitan na lang ang laptops ng supplier," ani Poa.

ADVERTISEMENT
Sa 2023 proposed budget din ng DepEd, may inilaan para makapagbigay ng dagdag na learning materials, kabilang ang gadgets, sa mga guro.

Sa notice of award na nakapaskil mismo sa website ng PS-DBM, nakalagay na napili noong Hunyo 30, 2021 bilang lowest bidder para sa supply ng laptop ang joint venture ng Sunwest Construction and Development Corp., LDLA Marketing and Trading Inc., at VSTECS (Philippines) Inc.

Nasa P58,300 ang bili ng joint venture sa kada laptop.

Pero sa report ng Commission on Audit, sinabing lumabas din sa bidding na may mas mabilis na laptop sa mas murang halaga na P45,531.

Nasa P22,000 hanggang P25,000 lang din ang market price ng mga modelo ng laptop na binili ng PS-DBM kompara sa P58,300 na idineklarang presyo nito.

Maingat naman ang DepEd sa pagkomento sa puna ng Commission on Audit sa presyo ng mga laptop.

"Kailangan natin ng documentation from PS-DBM," ani Poa.

"'Yon ang hinihntay natin sa PS-DBM, kung ano 'yong naging basehan sa presyo," dagdag niya.

Nabatid ng ABS-CBN News na ang isa sa kasama sa joint venture na Sunwest ay kabilang sa mga nabanggit na contractor sa pagdinig ng Kamara noong 2014 nang busisiin ang sinasabing ilang palpak na proyekto ng Department of Public Works and Highways sa panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.

Agad namang nagbigay ng paglilinaw si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co na binitawan na niya ang ano mang interest o pag-aari sa Sunwest noon pang 2019.

Hindi na umano siya dapat idawit sa ano mang proyekto ng naturang korporasyon.

Pinuntahan ng ABS-CBN News ang opisina ng Sunwest sa Pasig para kuhanan sana ng pahayag pero wala pa rin itong sagot.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
Department of Education
overpriced laptops
outdated laptops
PS-DBM
DepEd
Michael Poa
laptops
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT