2 umanong nagkunwaring pulis, nanghingi ng pera sa scam victim
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 umanong nagkunwaring pulis, nanghingi ng pera sa scam victim
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2022 03:26 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2022 08:08 PM PHT

Timbog ang dalawang taong umano'y nagpanggap na operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at humingi pa ng pera sa isang taong naloko nila, sabi ngayong Huwebes ng pulisya.

Hinuli ng mga operatiba ng PNP-ACG ang mga suspek sa entrapment operation sa Marikina City matapos dumulog nitong Martes sa Camp Crame ang biktima.

Ayon sa biktima, naloko siya sa isang online scam kung saan binayaran niya nang advance ang isang cellphone na hindi naman niya nakuha.

Nag-post siya sa social media tungkol sa nangyari at may nag-comment na matutulungan umano siya.
Nag-post siya sa social media tungkol sa nangyari at may nag-comment na matutulungan umano siya.
ADVERTISEMENT
Sa kagustuhang mabawi ang pera, nakipag-ugnayan ang biktima sa nag-alok ng tulong, na kalaunan ay natukoy na mga pekeng pulis pala.

Tatlong beses umanong naperahan ng mga nahuling suspek ang kanilang biktima, at humingi ng "processing fee" para kumilos raw ang Anti-Cybercrime Group.

Bagaman nahuli na ang dalawang suspek, patuloy ang imbestigasyon sa kanila upang malaman kung sila rin ba ang nasa likod ng scam sa pagbebenta ng cellphone.

Ayon sa PNP-ACG, kakasuhan ang mga suspek ng estafa, usurpation of authority, at paglabag sa Access Devices Regulation Act.

Nanawagan ang PNP sa publiko na magsumbong sa kanila sakaling mabiktima ng mga online scam.

— Ulat ni Jorge Cariño
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
arrest
krimen
estafa
usurpation of authority
Philippine National Police Anti-Cybercrime Group
PNP
police
scam
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT