2 bata nawawala matapos maanod sa ilog sa Benguet
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 bata nawawala matapos maanod sa ilog sa Benguet
Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published Aug 16, 2019 12:02 AM PHT

Patuloy ang paghahanap sa dalawang estudyanteng naanod sa Balili River sa bayan ng La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Jaser Rufino, naanod sa nasabing ilog ang kanyang kapatid na si Harley, 15, at ang kaibigan nito na si Romel Tadena nitong Miyerkoles. Dumaan umano ang mga ito sa isang tulay pauwi sa kanilang mga bahay sa Barangay Wangal.

"Lumabas daw sila sa bahay. Hindi ko alam kung saan sila pumunta kagabi. Nakita nung tito din namin na nakainom sila na bumaba sa may tulay, kaya ayun wala na," ani Jaser.

Patuloy ang paghahanap ni Jaser at ilang mga volunteer sa mga nawawalang bata. Ayon sa isang volunteer, mahirap ang paghahanap.

"Mahirap...kasi walang daanan. Sinusundan lang namin yung tubig, para mahanap," ani Edmund Medrano, isang barangay tanod.

Umaasa ang mga pamilya ni Romel na buhay pa ang mga estudyante.

"Sana, sana buhay pa…siya (Romel) pa naman ang bunso namin," ani Roberto Tadena, ama ni Romel.

Ayon sa mga residente, hindi ito ang unang beses na may naanod sa ilog.

"Unang beses, yung agriculturist pero naligtas siya. Tapos yung nakaraang taon, yung magkasintahan na nakamotor pero naligtas din sila. Tapos ngayon ulit...sana ayusin na po nila yung bridge namin dito," ani Michelle Alos, isang residente.