SAPUL SA CCTV: Resort sa Calamba binaboy umano ng mga guest

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Resort sa Calamba binaboy umano ng mga guest

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Binaboy umano ng nasa 7 lalaking guest ang isang private resort sa Bucal, Calamba City sa Laguna nitong Lunes ng madaling-araw.

Nakuhanan sa CCTV ang ginawang panggugulo ng mga nasabing bisita sa resort.

Base sa kuha ng CCTV, tila papaalis na ang grupo nang ipagbabalibag ng mga ito ang mga gamit ng resort sa swimming pool.

Kasama sa mga inihulog ng mga ito sa swimming pool ang mga silyang plastic, ihawan, mga pinag-inumang bote ng alak, at ang isang water dispenser.

ADVERTISEMENT

Binuhusan din ng mga ito ng mantika ang resort.

Ayon sa isa sa mga namamahala ng resort, bandang 5:30 ng madaling-araw ay kinatok pa siya ng mga ito at kinukuha ang kanilang security deposit na P1,000.

Subalit nang sabihin niya na iinspeksyunin muna ang pool, nagtakbuhan na ang mga suspek at umalis sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo.

Napag-alaman na ang mga naturang guest ay mga empleyado ng isang electronics at cellphone manufacturer company na nag-overnight at nag-inuman sa resort.

Dahil sa pangyayari, hindi nagamit ng mga naka-book ang resort kinabukasan dahil sa natagalan ang paglilinis sa mga nasirang gamit at mga nabasag na bote.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakilala na ang 4 sa mga suspek.

Nakipag-usap na ang mga ito sa may-ari ng resort at humingi ng dispensa, subalit hindi maipaliwanag ng mga ito kung bakit sila tila nagwala bago umalis.

Nagdulot umano ang insidente ng stress sa isa sa namamahala dahil napag-alamang may karamdaman ito at tanging ang kinikita sa resort ang ipinagpapagamot.

— Ulat ni Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.