Estudyanteng pauwi sinaksak ng holdaper
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyanteng pauwi sinaksak ng holdaper
ABS-CBN News
Published Aug 17, 2017 08:18 AM PHT
|
Updated Aug 17, 2017 03:38 PM PHT

15-anyos na estudyante, nagpapagaling sa ospital matapos saksakin sa tagiliran ng nanghold-up sa kanya sa Taguig pic.twitter.com/urCmm5EoUV
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 16, 2017

MANILA - Sugatan ang isang high school student matapos saksakin sa tagiliran ng lalaking nangholdap sa kanya sa Signal Village, Taguig Miyerkoles.

Naglalakad pauwi ang 15-anyos na si "Nathan" nang tumigil sa kanyang tapat ang isang motorsiklong may sakay na 3 tao, dakong ala-1 ng tanghali.

Hiningi umano ng mga lalaki ang cellphone ng binatilyo na nasa bag niya. Dito na tumakbo palayo ang estudyante.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba ang isang angkas ng motorsiklo at hinabol si Nathan hanggang sumalampak siya sa kalsada at maabutan.

Nakita ng kapitbahay Randolf Malagapo ang pangyayari mula sa loob ng kanyang kotse kaya pinatunog niya ang kanyang busina.

Aniya, "Nakita ko bumunot, akmang sasaksakin yung estudyante. Ginawa ko blinow ko yung horn ko para malaman nila may taong nakakita para ma-distract sila at di ituloy saksak. Kinuha ang cellphone pero sinaksak pa rin."

Tumakas ang mga kawatan habang sinaklolohan naman ng ilang residente si Nathan.

Tumakbo naman ni Malagapo sa bahay ng binatilyo at ipinagbigay-alam ang insidente sa nanay nito na si "Carmen."

"Nagulat ako akala ko kung si kung sinong anak. Sabi niya mama, mamamatay na ba ako. [Sabi ko], 'Hindi anak. Dadalhin ka namin sa ospital," kuwento ng ginang.

Dagdag ni Malagapo, "Nakakaawa yung bata halos di humihinga. Pray ako nang pray sa Lord bigyan ng kalakasan ang bata."

Ligtas na ang kalagayan ni Nathan matapos maoperahan sa ospital.

Naglabas naman ng sama ng loob si Carmen sa mga kawatang umatake sa kanyang anak.

"Naiinis ako sa gumawa kasi walang kalaban laban anak ko. Inalagaan ko matagal anak ko, saglit lang ginawa nila yun," sabi ni Carmen.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente kasabay ng follow-up operation para matunton ang mga suspek. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News