Daan-daan nagbayanihan sa paghanap sa nawawalang residente sa Benguet

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daan-daan nagbayanihan sa paghanap sa nawawalang residente sa Benguet

Michelle Soriano,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbayanihan ang daan-daang volunteers at rescue workers para mahanap ang residenteng pinaniniwalaang natabunan sa pagguho ng lupa sa Barangay Bedbed sa Mankayan, Benguet.

BAGUIO CITY - Umabot na sa 480 ang mga taong tumutulong sa paghahanap sa residenteng pinangangambahang natabunan ng gumuhong lupa noong Lunes ng hapon sa Barangay Bedbed, Mankayan, Benguet.

Sama-sama ang mga volunteers, emergency responders at pulis sa paghahanap sa 32-anyos na si Ludivina Julian Kidkid, barangay secretary ng Bedbed.

Binobombahan ng tubig ang bahagi ng bundok para madaling mapababa at mahukay ang lupa.

Minamandohan naman nang maigi ang ginagawang paghahanap dahil anumang oras ay puwedeng dumausdos ang mga tao sa gitna ng maya't mayang pagguho ng lupa sa kinatatayuan nila.

ADVERTISEMENT

Magpapatuloy ang kanilang paghahanap hangga't maliwanag pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.