Operasyon ng PNR sa Makati nagpatuloy na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Operasyon ng PNR sa Makati nagpatuloy na
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2019 02:30 PM PHT

Nagpatuloy na simula alas-12:45 ng tanghali Sabado ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) matapos tumigil ang dalawa sa kanilang tren nitong Sabado.

Kinumpirma ito ni Joseline Geronimo, operations manager ng PNR.

Ayon kay Geronimo, umabot sa 24 pulgada ang baha sa may riles ng tren sa bahagi ng Magallanes sa Makati City, higit sa 3 pulgadang limit ng PNR para ligtas na makadaan ang tren.

Humupa na aniya ang baha.
Humupa na aniya ang baha.
ADVERTISEMENT
"Yung mga stranded na tren makakadiretso na ng Manila, then by 1:30, magpapabiyahe na kami kahit FTI mauna," ani Geronimo sa panayam sa DZMM.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang suspindehin ang operasyon ng PNR.

Nauna nang nagkaaberya ang isa sa mga tren ng PNR bandang alas-7 ng umaga sa Pedro Gil Station matapos maputol ang isang kable malapit sa locomotor, sabi ni Geronimo.

Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa Pedro Gil at bahagi ng Quirino Avenue. Pasado alas-9 na nang makumpuni ang sira, sabi ng opisyal.