Rap, takbo, hiling ng hustisya: alay ng mga kaibigan, kaanak ni Kian
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rap, takbo, hiling ng hustisya: alay ng mga kaibigan, kaanak ni Kian
ABS-CBN News
Published Aug 25, 2017 07:53 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2017 10:48 PM PHT

Sa huling araw ng burol ni Kian Loyd delos Santos, lumabas ang mga nasa damdamin ng mga kaibigan, kaklase, at kamag-anak ng binatilyo. Idinaan ng iba sa pagtakbo at pagra-rap ang pagpapahayag ng panawagan na bigyang hustisya ang pagkamatay ng 17 anyos.

Pansamantala namang nabulabog ang burol dahil tatlong sachet ng shabu ang natagpuan isang kanto mula sa burol ng binatilyo.

Umaga pa lang ngayong Biyernes, nagtipon-tipon na ang mga kaibigan at ilang kamag-anak ni delos Santos para simulan ang takbong 'Run, Kian, Run: Wakasan ang Pagpaslang'. Suot nila ang mga puting t-shirt na may nakasulat na 'Justice for Kian'.

Tatlong kilometro ang nilakad at tinakbo ng mga kabataan at kaanak ni delos Santos upang makapagprotestsa sa Presinto 7 ng Caloocan police.

Kasama sa takbo ang running priest na si Father Robert Reyes na nangangambang maaaring may mangyaring 'white wash' sa kaso ng 17 anyos na lalaki.

"Papatayin ng gobyerno ang kasong ito. Hanggang itong tatlong pulis lang... Ilalaglag lang kayong mga pulis. You will be the collateral damage on this war on drugs... ang mahalaga parati sa krimen ay hindi ang gunman kung hindi ang mastermind," ani Reyes.

Pagdating sa presinto, dinasalan ni Father Reyes ang mga preso at opisina. Subalit, nahirapan si Fr. Reyes na dasalan ang isang police mobile na tila nagmamadaling umalis at halos masapul si Fr. Reyes.

Matapos ang pagdarasal, dumiretso sila sa simbahan ng Sta. Queteria para sa misa kung saan hindi napigil ng mga tao ang kanilang damdamin. Emosyonal hindi lang ang mga kalapit ni Kian, kung di pati na ang kura paroko.

"Di nga marunong manakit ng tao, tatawagin ninyong drug addict. Di nga humahawak ng kutsilyo 'yon, sasabihin nyong may baril?" hinanakit ng pinakamatalik na kaibigan ni Kian.

Sa huling araw ng burol ni Kian, dumagsa rin ang iba pang mga kaibigan, kamag-anak, at mga supporters. Dumating din ang Migrante International para magsabit ng mga puting ribbon.

Rap para kay Kian, alay ng mga kaibigan
Imbes na magbigay ng speech, sa rap ikinuwento ng ilang mga kabarkada ni Kian kung ano marahil ang mga huling sandali ng kanyang buhay.

Ayon sa nagsulat ng rap, hindi siya nahirapang isulat ang titik ng rap dahil mayroon siyang pinaghuhugutang karanasan ng kaibigan.

"Binigyan ko ng boses si Kian... umiiyak po ako kasi hindi ko naman dapat sulatin ito, pero sinusulat ko na. Imbes na girlfriend ko ang sinusulatan ko, o ano-anong bagay, ito pa ang sinusulat ko," ayon kay Manolo.

Tatlong pakete ng hinihinalang shabu, natagpuan malapit sa burol ni Kian
Isang kanto mula sa burol ni Kian, natagpuan ng mga residente sa ilalim ng paso ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu. Ikinabulabog ito ng mga residente.

Kuwento ng residenteng si Rolando Libiran, ipagagawa sana niya ang linya ng tubig sa kanyang bahay dahil isang buwan na itong may tagas.

Nang inangat nila ang paso, nakita nila roon ang isang pitaka na naglalaman ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Agad naman itong iniulat ni Libiran sa barangay. Isusuko naman ang mga nakuhang 'shabu' sa mga awtoridad, ayon sa mga kagawad.

Sa libing ni Kian bukas ng Sabado, balak ng pamilya na magmartsa patungo sa Presinto 7 upang magprotesta. Didiretso sila sa simbahan ng Sta. Queteria para sa huling misa, at doon sa La Loma Cemetery ihahatid si Kian sa huling hantungan.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Kian Loyd delos Santos
war on drugs
Caloocan
shabu
droga
TV Patrol
TV Patrol top
Jasmin Romero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT