Mga COVID-19 isolation facility sa Laguna punuan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga COVID-19 isolation facility sa Laguna punuan na
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2021 05:54 PM PHT

Punuan na ang ilang pangunahing isolation facility para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Laguna.

Kasama rito ang LIGTAS COVID Center sa Cabuyao City, Laguna na magkatuwang na pinatatakbo ng local at national government.

Mga pasyente mula Laguna at mga katabing-probinsiya ang tinatanggap sa LIGTAS COVID Center.

Nasa 80 tao ang kapasidad ng pasilidad pero punuan ito 2 linggo na ang nakakalipas.
Nasa 80 tao ang kapasidad ng pasilidad pero punuan ito 2 linggo na ang nakakalipas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa facility manager na si Dr. CJ Cofreros, "palit-ulo" ang pinaiiral sa pasilidad kung saan kapag may gumaling at lumabas nang pasyente, saka lamang tatanggap ng bagong pasyente.

Sa ngayon, may 20 nakapila para ma-admit sa pasilidad.

Ayon kay Cofreros, kulang din an gpasilidad sa health workers dahil 3 nurse at hanggang 2 doktor lang ang naka-duty kada shift.

Dalawang linggong duty at 2 linggong day off ang ipinatutupad na sistema para sa health workers doon.

Natanggap na umano ng mga health worker doon ang kanilang 6 na buwang special risk allowance pero hinihintay pa ang hazard pay.

Halos kapareho rin sa situwasyon ng Cabuyao center ang nararanasan sa regional COVID-19 isolation facility sa Calamba, na tumatanggap rin ng mga pasyente mula sa ibang mga probinsiya ng Calabarzon.

May 399 bed capacity ang regional facility pero hinihintay ring mabakante ang kama bago tumanggap ng panibagong pasyente.

May 3 kaso rin ng mas nakahahawang Delta variant ang naroon sa pasilidad.

Nagkakapunuan ng mga pasilidad sa harap ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa OCTA Research Group, maaaring umabot pa sa higit 20,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kada araw.

— Ulat ni Dennis, Datu ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Covid-19
isolation facility
Cabuyao
Calamba
Laguna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT