Ayuda sa mga maysakit, 'pansamantalang' binawasan ng PCSO

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ayuda sa mga maysakit, 'pansamantalang' binawasan ng PCSO

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinimulan na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ang pagbabawas sa halaga ng tulong na kanilang ibinibigay sa mga maysakit o kaanak ng mga ito na dumudulog sa ahensiya.

Ayon sa ilang nakausap ng ABS-CBN News sa Lung Center of the Philippines, binawasan umano ng PCSO ang ayudang dati na nilang tinatanggap.

Ayon kay Felimon Moreno, na dumedepende sa PCSO para sa misis na may cancer, sinabihan siya ng opisina na tatapyasan ang dating P75,000 na tinatanggap nila.

Pero paliwanag ng PCSO, di dapat mabahala ang mga tao dahil nagbawas lang sila ng halaga ng assistance para masigurong maaalalayan lahat habang nirerepaso ang programa nila.

Tumaas daw kasi ng higit 20 porsiyento ang dami ng taong lumapit sa kanila sa unang anim na buwan pa lang ng 2018. Halos masaid daw ang kanilang pondo, kaya naghihigpit sila ng sinturon.

"Batid naman natin na we can only give what we have...Initially we have to adjust lang accordingly 'yung rate of assistance," ani PCSO Assistant General Manager Larry Cedro.

BABALA NG COA

Nitong Hulyo, pinuna na ng Commission on Audit ang ahensiya dahil sa umano'y posibleng pagnipis ng pondo nito bunsod ng iba't ibang gastos.

ADVERTISEMENT

Binalaan ng COA ang PCSO dahil nagbawas daw ito ng P5.89 bilyon bilang expenditure sa Charitable Fund nila kahit pa hindi ito para sa pangkakawanggawa.

Tiniyak naman ng PCSO na ang pagbabawas ng halaga ng assistance ay pansamantala lang at babalik din sa dati kapag naayos na ang pondo nila.

—Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.