Laguna Medical Center puno na ng COVID-19 patients
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Laguna Medical Center puno na ng COVID-19 patients
ABS-CBN News
Published Aug 31, 2021 07:52 PM PHT

Napupuno na ng mga pasyente ang Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna sa harap ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Nakapila na sa labas ng ospital ang ambulansiya mula sa iba't ibang lugar sa probinsiya.

Pila ang mga ambulansya sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna dahil sa dami ng mga dinadalang covid at non-covid patients pic.twitter.com/uBHtmEwclV
— Dennis Datu (@Dennis_Datu) August 31, 2021

Kinakailangang dumaan sa screening area ang mga pasyente para matukoy kung may COVID-19 o wala.

Dinagsa rin ang triage area ng non-COVID-19 patients na chine-check din kung may sintomas ng sakit.
Dinagsa rin ang triage area ng non-COVID-19 patients na chine-check din kung may sintomas ng sakit.
ADVERTISEMENT
Iilan na lang ang mga bakanteng kama sa ospital, ayon kay Dr. Judy Rondilla, chief of hospital ng pasilidad.

“Kung makikita po ninyo ang present situation namin ngayon na ang daming ambulansiya na nakapila plus ang aming triage area at infectious disease unit, puno po at maraming naghihintay na ma-admit," ani Rondilla.

Para sa non-COVID cases ang nasabing ospital pero dahil sa bilis ng pagdami ng mga tinatamaan ng sakit ay walang nagawa ang ospital kundi tumanggap na rin ng COVID-19 patients.

May aabot sa 15 COVID-19 patients ang ospital at halos wala na ring bakanteng kama para sa ibang COVID-19 patients.

"Sa ngayon po talagang nahihirapan ang manpower namin kasi although sa 3rd district kakaunti ang kaso pero majority po naman ng naa-admit namin ay from 1st and 2nd district kaya lang kailangan namin magsakripisyo kasi kailangan namin din magserbisyo dahil 'yun ang aming sinumpaan," ani Rondilla.

Nangangailangan ngayon ng mga dagdag na PPE ang ospital pero tiniyak ni Rondilla na tumutulong naman ang lokal na pamahalaan.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
Laguna Medical Center
ospital
COVID-19 capacity
capacity
COVID-19 hospitals Laguna
Laguna COVID-19 update
Laguna Medical Center
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT