Lockdown ipinatupad sa Calayan, Cagayan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lockdown ipinatupad sa Calayan, Cagayan

ABS-CBN News

Clipboard


Ipinatupad sa Calayan, Cagayan ang lockdown simula ala-1 ng hapon ngayong Martes, Agosto 31, hanggang Setyembre 2.

Ang 72 oras o 3 araw na lockdown ay napagdesisyunan sa pagpupulong Martes ng umaga ng Municipal Inter-Agency Task Force para sa layuning maprotektahan ang bayan sa paglaganap ng COVID-19 virus.

Sa datos ng Provincial Health Office nitong Lunes, Agosto 30, tanging ang Calayan ang bayan sa Cagayan na COVID-19 free.

Lockdown ipinatupad sa Calayan, Cagayan

Sa ilalim ng lockdown, wala munang biyahe papasok at palabas ng bayan maliban na lang kung emergency cases.

ADVERTISEMENT

Ang mga Authorized Persons Outside Residence o APOR na pupunta sa bayan ay kailangan na makipag-ugnayan muna sa munisipyo at dapat ay may maipresenta na negative result ng RT-PCR Test na hindi lalagpas ng 48 oras.

Pagdating sa Calayan, isasailalim sa isolation na hindi bababa ng 7 araw ang mga APOR.

Kung locally stranded individual o mga residenteng kailangan makauwi sa Calayan, isasailalim sila sa 14 araw na quarantine sa pasilidad ng lokal na pamahalaan dahil bawal na ang home quarantine.

Bawal din muna ang inter-island travel o pagbiyahe sa mga isla gayundin ang pagpunta sa mga barangay ng Camiguin Islands maliban kung emergency cases.

- ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.