40 OFWs nagtapos sa online course sa gitna ng pandemya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

40 OFWs nagtapos sa online course sa gitna ng pandemya

Rowen Soldevilla | TFC News Oman

 | 

Updated Aug 31, 2022 01:20 PM PHT

Clipboard

MUSCAT - May jet lag pa ang UK-based OFW na si Eloisa Sedano nang dumalo siya sa kanyang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center kamakailan.

Kabilang si Sedano sa 40 OFWs na nakapagtapos ng Bachelor of Science in Real Estate Management sa Lyceum of Alabang sa pakikipagtulungan ng Frich Revo.

wide shot

“Grabe, thank you very much Frich Revolution for this amazing opportunity. laking pasasalamat ko po sa inyo kung hindi dahil sa inyo hindi ko po makakamit ito,” sabi ni Sedano, nurse sa UK.

“Alam nyo ba na dream come true talaga ang pagka-graduate po namin ng Bachelor of Science in Real Estate Management,” sabi ni Mary Jane Cenzon, OFW, HR Superintendent sa Singapore.

Martsa

Ang “Free and Rich Revolution” o “Frich Revo” ay samahan ng mga OFW sa mahigit 52 bansa na nagbibigay ng libreng training at financial support sa ilang OFWs para makapagtapos sa kanilang second course.

ADVERTISEMENT

“Dumating din yung time. Siyempre po tag-hirap sa abroad, walang pang-tuition nagtulong- tulong po kami para mairaos at maka-graduate lahat ng 40 OFWs na kasama natin ngayong gabi,” sabi ni Tet Lim, Co-founder ng Frich Revo.

Sinamantala ng mga Pinoy ang pandemic para maka-attend ng online class. Bilang leader ng “Overseas Filipino Winners” sa iba-ibang bahagi ng mundo at nag-iisip paano ba maitu-turn into positivity yung nangyayaring worries,” dagdag ni Lim.

Groupie ng Frich Revo

“Sa mga OFW, walang imposible because ngayon we have the hybrid class. This is an online class na kini-cater natin so kalahati synchronous at asynchronous. Yung synchronous, nagkakaroon tayo o nagko-conduct kami ng klase via zoom. So yung asynchronous naman yung nag-a-upload kami ng projects,” sabi ni Prof. Maureen Bassig, BBSI.

Ayon kay Sedano hindi siya panghabang-buhay na OFW kaya kumuha siya ng Real Estate Management para paghandaan ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

“Bilang nurse po, hindi ko po yun magagawa na mag-nurse habang buhay. But dito sa opportunity na binigay ng BSREM at ng Frich Revolution, naku kahit matanda na ako pwede ko pa ring ma-practice yung aking bagong profession,” saad ni Sedano.

ADVERTISEMENT

Ganito rin ang plano ng mag-asawang Jeff at Joanne Sagun na nagtatrabaho bilang engineer sa Singapore.

”Ang maganda nIto makakatulong sa aming pamilya and of course makakatulong sa mga kapwa naming OFWs,” sabi ng mag-asawang Sagun.

“Hindi po madali ang pinagdaanan namin, nakaka-overwhelmed po kung ano man yung gusto mong marating kailangan mong paghirapan, ito yung isa sa profession na nakakapagpabago ng buhay ko para maiahon kami at matutupad yung aming mga pangarap,” sabi ni Lia Rodriguez, CPA sa Dubai.

Ayon kay Dr. Eduardo Ong, kailangang graduate ng B.S. REM ang mga gustong maging Licensed Real Estate broker.

“I was commissioned by the CHED, The Commission on Higher Education to prepare the curriculum on B.S. Real Estate Management which I did, which became effective as per CHED memorandum order no. 28 series 0f 2011, it became effective in 2012,” sabi ni Dr. Eduardo Ong, Dean, College of REM-LOA.

ADVERTISEMENT

“Online classes are specially designed for OFWs who are dreaming to become a Licensed Real Estate professional. So in the past two years that we have handled this program, nakakatuwa na nagkaroon kami ng isang group na OFWs, so imagine these are the students coming from Europe, Asia, America and of course in the Philippines,” sabi ni Bassig.

Ang Real estate business ay magandang pagkakitaan ng OFWs kapag sila ay magbabalik na sa Pilipinas.

“One of the most lucrative professions I believe on earth so even if or even those who in abroad, even those in the U.S (can do this),” saad ni Ong.

Tet and Terence
Sina Tet Cudiamat-Lim (kaliwa) at Terence Rey Lim (kanan), founders ng Frich Revo

“Ang real estate hindi yan bumabagsak. Ilan na ba ang tao sa buong mundo? Ilan na ba ang Pilipino sa Pilipinas? Lalong dumadami, pero yung lupa, ‘yun pa rin. So habang tumatagal mas lumalaki yung need ng real estate so for the past history na yan, laging pataas nang pataas ang real estate. laging may need,” paliwanag ni Terrence Rey Lim, Founder ng Frich Revo.

Naghahanda na ngayon ang 40 OFWs para kumuha ng board exam sa Professional Regulatory Commission para maging ganap na Real estate broker na nakatakda sa susunod na taon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.