Misis, ginilitan at pinagsasaksak ng asawa dahil sa selos

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Misis, ginilitan at pinagsasaksak ng asawa dahil sa selos

Kevin Dinglasan,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa loob ng bahay ng mga magulang ng biktima pinatay ni Fernando Carabido ang asawa dahil umano sa selos. Larawan mula sa Tayabas City Police

TAYABAS, Quezon – Patay ang isang babae nang pagsasaksakin at gilitan pa sa leeg ng kaniyang asawa dahil umano sa selos sa lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Patay na nang abutan ng kaniyang hipag ang biktimang nakilalang si Rechell Carabido.

Ayon sa kaniyang hipag, Lunes ng umaga nang dumating sa bahay ng mga magulang ng biktima sa Barangay Tongko ang asawa nitong si Fernando. May bitbit daw itong palanggana sa likod at hinahanap ang asawa na may 4 na araw nang humiwalay sa kaniya.

"Pagkasilip po niya sa bintana, maya-maya po'y pumasok na siya. Wala ho akong narinig na ingay, kung ano man pong kaluskos. Pagpasok ko po nakasalubong ko pa po siya na duguan na po tapos hawak na ho yung kutsilyo," sabi ng hipag ng biktima.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pa raw niyang pigilan ang suspek pero agad ding nakatakas bitbit ang kutsilyo.

Ilang oras matapos ang krimen, sumuko sa awtoridad ang suspek na nangumpisal pa umano sa isang simbahan sa Lucena City.

Inamin ng suspek na pinagsasaksak nya ang asawa dahil sa ilang beses na niya itong nahuhuling nanlalalaki. Itinanggi naman ng ina ng biktima ang paratang.

“Wala namang katotohanan. Hindi ‘yun dahilan para patayin mo ‘yan. Ang anak ko po'y may polio may kapansanan pa ‘yan. Pagbayaran niya ang ginawa niya sa aking anak kahit siya'y nakulong kulang pa ‘yan," sabi ng ina ng biktima na si Rosalina Datoon.

Mahaharap sa kasong parricide ang nakakulong na suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.