Heart Relic ni Padre Pio darating sa Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Heart Relic ni Padre Pio darating sa Pilipinas

Abner Mercado,
ABS-CBN News
Published Sep 05, 2018 06:46 PM PHT

MAYNILA- Darating sa Pilipinas ang relic heart ni Saint Pio of Pietrelcina, o mas kilala bilang Padre Pio, mula sa San Giovanni Rotondo, sa Italy.

Maaaring dalawin ng mga Pilipino ang relic mula Oktubre 6 hanggang 26.

Sa 20 araw na ilalagi ng relic ni Padre Pio sa bansa, magtutungo ito sa Maynila, sa National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas sa Batangas, sa Cebu, at sa Davao.

“Nawa ang pagbisita sa bansa ng relic ng Puso ni Padre Pio ay makapagdulot ng pagbabago tungo sa lalong pagpapatibay ng pananampalataya ng mga deboto ni Padre Pio," ani Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales sa isang press conference nitong Miyerkoles.

Kilala si Padre Pio sa stigmata, o mga sugat sa kaniyang kamay na hawig sa mga sugat ni Kristo.

Pinaniniwalaan rin na nagdudulot ng kagalingan sa mga may karamdaman ang santo kaya inaasahang dadagsa ang mga deboto para sa relic nito.

Ang pagdalaw ng heart of relic sa bansa ni Padre Pio ay pangungunahan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines at ng National Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.