'Study Now, Pay Later' tinigil; college students umaasang makakuha pa rin ng scholarship

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Study Now, Pay Later' tinigil; college students umaasang makakuha pa rin ng scholarship

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 12, 2022 07:48 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Pangarap ng college student na si Josh Espino na maging cabin crew pero batid niya ang realidad na kasabay ng pag-aaral, kailangan niya ring magtrabaho part-time bilang service crew.

Hindi kasi sapat ang kinikita ng mga magulang ni Espino, na parehong utility personnel.

Para makatulong pa sa pantustos sa pag-aaral, ilang scholarship program na rin ng Commission on Higher Education (CHED) ang in-apply-an ni Espino.

"Dumating din po ako sa point na gusto ko na rin po mag-resign kasi nga po 18 pa lang ako. Parang ang hirap para sa akin. Kaya naman po, para sa pangarap," ani Espino.

ADVERTISEMENT

"Kung ako lang po sana, kasi bata pa po siya, gusto ko po mag-aral lang siya kaso kapos din po kasi," sabi naman ni Eric Razon, ama ni Espino.

Kasama si Espino sa mga estudyanteng umaasang makakakuha pa rin ng scholarship sa CHED sa harap ng pagpapatigil ng isa sa mga assistance program nitong "Study Now, Pay Later."

Sa ilalim ng programa, maaaring makapag-loan ang mga estudyante at bayaran ito pagka-graduate.

"The 'Study Now, Pay Later' program became 'Study Now, Pay Never.' The payment rate was extremely low. It was less than 10 percent," ani CHED Chairman Prospero de Vera sa pagdinig sa Senado noong Miyerkoles.

"The government was unable to collect because after the students graduate, government is unable to go after them anymore. Because if they don't get jobs after they graduate, how can they pay their loans?" ani De Vera.

ADVERTISEMENT

Kaya naman naglaan ang komisyon ng P1 bilyon pondo sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNiFAST).

"We put a P1 billion fund under UNIFAST for student financial assistance by way of loans while students are enrolled. But there were practically no takers of that type of loan," ani De Vera.

"It is a system similar to what some of our universities, like UP (University of the Philippines) is implementing now. UP has a loan program where the students borrow. If they pay it within the school year, there is no interest. Otherwise, they have to pay it before they graduate. They cannot graduate if it is not fully paid," paliwanag ni De Vera.

Pero umapela ang grupo ng mga estudyane na huwag sisihin ang mga hindi nakakapagbayad ng utang.

Nangangamba ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) na mas maraming hindi makakapagtapos dahil sa pagpapatigil sa naturang student loan program.

ADVERTISEMENT

"Siguro may problema sa job generation, kung iyon iyong sinabi na kawalan ng trabaho sa mga fresh graduates," ani NUSP President Jandeil Roperos.

"Hindi nga dapat pinapautang ang edukasyon sa mga estudyante. Dapat nga binibigay siya, accessible iyong education, pinopondohan iyong edukasyon," dagdag niya.

Ayon kay Roperos, dapat pagtuunan ng pansin ang dagdag na student assistance program at tiyaking may makukuhang trabaho ang mga nagtapos na estudyante.

"Kasi iyong budget ngayon sa [sektor ng] edukasyon, hindi tayo pumasok talaga sa international standard. Iyong budget kasi sa education, around 3.6 percent lang ng gross domestic product, na ayon sa international standard [ay dapat] at least 6 percent. Kaya sobrang kulang talaga," paliwanag niya.

Nitong Marso, sinuspende rin ng CHED ang pagtanggap ng mga bagong aplikasyon sa merit o grade-based scholarship program para sa Academic Year 2022-2023 dahil sa kakulangan ng pondo.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa komisyon, may ibang scholarship at subsidy na available para sa mga estudyante.

Kabilang umano rito ang Tertiary Education Subsidy, Tulong Dunong, at scholarships para sa mga nag-aaral ng medisina at anak ng sugar workers.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.