'One-side parking' sa kalsada bawal kung walang ordinansa: MMDA
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'One-side parking' sa kalsada bawal kung walang ordinansa: MMDA
ABS-CBN News
Published Sep 10, 2019 07:31 AM PHT
|
Updated Sep 10, 2019 08:05 AM PHT

MANILA - Kinakailangan maglabas ng ordinansa ng city council para pahintulutan ang "one-side parking" sa mga kalsada, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Martes, sa gitna ng malawakang clearing operations para tanggalin ang mga istraktura at sasakyang nakahambalang sa mga daan.

Kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng one-side parking ang Barangay Bagong Lipunan, Quezon City, sa isang inner road malapit sa Camp Crame, ani MMDA Command Center chief Edison Bong Nebrija.

Ito'y sa kabila aniya ng dating pagbabawal ng MMDA na mag-park ang mga sasakyan sa lugar at direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-clear ang mga kalsada.

"Kalsada po iyan. Wala pong ano (kapangyarihan) ang barangay d'yan, mag-ano (labas) sila ng kanilang resolusyon, ordinansa. It needs to be approved by the city for the overall city traffic management plan," ani Nebrija sa panayam ng DZMM.

"They need to resolve it among themselves. Kung bibigyan po ng ordinansa ng city iyan, then wala kaming magagawa kundi igalang iyan. Pero kung wala, wala naman po kaming magagawa kundi ipatupad," dagdag niya.

Mayroong hanggang Setyembre 27 ang mga barangay at city officials para i-clear ang mga lansangan, una nang sinabi ng interior department. Masususpinde ang mga opisyal na mabibigo sa naturang mandato, dagdag ng ahensya.

DZMM, Setyembre 10, 2019
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT