'Kaugnayan' ni Michael Yang sa Pharmally nabuking sa Senado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kaugnayan' ni Michael Yang sa Pharmally nabuking sa Senado
ABS-CBN News
Published Sep 13, 2021 07:22 PM PHT

MAYNILA — Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa umano'y maanomalyang pagbili ng pamahalaan ng PPEs (personal protective equipment) noong 2020, lumalabas sa mga dokumentong nahalungkat ng Senado na halos P12 bilyon umano ang nasalong kontrata ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ito'y kahit wala pang P600,000 ang nakadeklarang kapital nito noong 2019.

Giit ng Pharmally officials, pinaikot lang nila ang kanilang kapital at karamihan ay diniskartehan lang nila ng utang sa mga supplier.

Maaalalang maraming nagtataka kung paano nasungkit ng kompanya ang bilyon-bilyong kontrata noong 2020 gayong batay sa financial documents ay tila maliit at baguhan lang ito para makakuha ng dambuhalang transaksiyon.

Dito na nabuking ang sinasabing koneksiyon umano ni dating presidential economic adviser Michael Yang sa umano'y kaduda-dudang kompanya.

Sabi ng Pharmally, pinahiram din umano sila ng P7.29 bilyon ni Yang.

"The company is different from the company in 2017. We are not a dummy company... I'm not here to defend Michael Yang. He really does not know about me, my involvement in Pharmally. But when we bagged this contract, we asked Lincoln Ong to approach Mr. Michael Yang," depensa ni Huang Tzu Ten, chairman at presidente ng Pharmally.

Si Ong ay isa pang opisyal ng Pharmally.

"Ako po 'yung lumapit ke' Yang. Sinabi ko lang po na ma-access ko 'yung ganitong brand, ganitong kompanya, baka 'kako puwede niya kong tulungan sa funding kasi kulang ang cash namin. Ako po 'yung lumapit sa kanya, humingi ng tulong," sabi ni Ong.

Hindi na muling nakadalo sa pagdinig si Yang at humarap na lang ang kanyang abogado.

Pinatatawag na ng komite ang mga negosyanteng nagsuplay umano sa Pharmally ng medical supplies.

Samantala, mismong sina Senate President Tito Sotto at Sen. Richard Gordon ang nagsabing tuloy ang imbestigasyon kahit pa binabatikos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Pharmally
anomalya
Michael Yang
Senate blue ribbon
Pharmally Pharmaceutical Corporation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT