Kalahating taon ng quarantine: Paano hinagupit ng pandemya ang Pilipinas?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kalahating taon ng quarantine: Paano hinagupit ng pandemya ang Pilipinas?

Ina Reformina,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 16, 2020 09:34 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang ipatupad ang community quarantine sa Pilipinas para sana maagapan ang pagkalat ng noo'y bago pa lang na coronavirus disease o COVID-19.

Disyembre noong 2019 nang naiulat ang unang mga kaso o "cluster" ng novel coronavirus sa Wuhan, China.

Mabilis itong kumalat sa iba't ibang bahagi ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Tinawag itong COVID-19 at idineklarang isang "pandemic" ng World Health Organization.

ADVERTISEMENT

Marso nang ipatupad ang malawakang lockdown sa Pilipinas para maagapan ang pagsirit ng COVID-19. Bilang kapalit, nagsara ang mga industriya, nawalan ng trabaho ang maraming Pinoy, at sumadsad ang ekonomiya.

Matapos ang 6 na buwan, 272,934 na ang naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas, na nangunguna sa dami ng kaso sa buong Southeast Asia.

Namahagi ang gobyerno ng ayuda sa milyong-milyong pamilya sa ilalim ng social amelioration program, pero marami na ring opisyal ang nasuspinde dahil sa anomalya.

Kabilang sa mga labis na nasapul ng kahirapan ang ilang grupo ng jeepney drivers na napilitan nang mamalimos sa kalsada.

Sinubok din ng pandemya ang katatagan ng mga ospital at medical frontliner. At dahil wala pang bakuna, halos umapaw ang mga pasyente sa mga pagamutan.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 120 testing centers sa bansa, pinakamarami sa Southeast Asia, ayon sa Department of Health.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa isang kilalang ekonomista sa Amerika, maaari sanang naiwasan ang ilang dagok na dala ng pandemya.

"If we were rational and well-governed, we would actually find a way through this without massive pain and suffering. The epidemic, for example, is itself controllable through rational policies," ani Jeffrey Sachs.

Sang-ayon naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na matatagalan pa bago matapos ang pandemya pero naniniwala syang tapos na ang pinakamahirap na punto ng krisis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.