Batang nahulog sa ilog sa Bataan, pinaghahanap pa rin
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Batang nahulog sa ilog sa Bataan, pinaghahanap pa rin
Rod Izon,
ABS-CBN News
Published Sep 19, 2019 10:13 AM PHT

BALANGA CITY, BATAAN – Patuloy na pinaghahanap ang isang limang taong gulang na babae na nahulog sa tulay nitong Martes ng gabi.

Bigo pa ring matagpuan ng search and rescue team ng Bataan ang batang inanod ng malakas na tubig ng ilog matapos mahulog mula sa tulay sa gilid ng bagong mall sa Barangay San Jose.

Sa inisyal na ulat, sinasabing galing ang biktima kasama ang kapatid sa paglalaro sa bagong bukas na mall sa tabi ng isang malaking river channel nang habulin at tangkaing hulihin ang isang ibon na nakadapo malapit sa tulay.

Nadulas ang bata at tuluyang nahulog sa ilog. Malakas ang agos ng tubig sa ilog dahil sa matinding pag-ulan dulot ng habagat at tinangay ang bata.

Tinangka pero bigong maisalba ang bata ng dalawang lalaking nakakita sa insidente.

Kasalukuyang nagtutulungan ang Philippine Coast Guard at Metro Bataan Development Authority sa search and rescue operations.