Paglabas ng voter certification ng Comelec hinto muna para sa huling linggo ng registration
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paglabas ng voter certification ng Comelec hinto muna para sa huling linggo ng registration
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2021 06:37 AM PHT

MAYNILA—Inanunsyo ng Commission on Elections na ihihinto muna ang pag-issue ng voter’s certification sa lahat ng office of the election officer at satellite offices sa barangay at mall sa buong bansa simula Lunes, Setyembre 27, hanggang Huwebes, Setyembre 30.

Sa Setyembre 30 ang huling araw ng voter registration.

Pahayag ni Comelec spokesman Dir. James Jimenez, inaasahan nila ang pagdagsa ng last-minute registrants hanggang araw ng deadline pero limitado lang ang bilang ng kanilang field personnel.

Kaya sinuspinde ang paglabas ng voter’s certification para mabawasan ang aasikasuhin ng mga taga-Comelec at matutukan muna ang registration.

Pero maaari pa ring kumuha ng voter’s certification ang kahit sinong botante sa main office ng Comelec sa Intramuros.

Puntahan lang ang satellite office ng Comelec National Central File Division sa FEMII Building, Extension Cabildo Street corner A. Soriano Avenue. Magdala ng original at photocopy ng valid ID.

May multang P75, pero libre ito para sa senior citizens, PWDs, indigenous peoples, at solo parents.

Nauna nang iginiit ng Comelec na hindi na nila palalawigin ang deadline sa Sept. 30 dahil maaapektuhan ang paghanda para sa eleksyon.

Pero bukas silang magbigay ng 1-linggong extension sa Oktubre pagkatapos ng filing ng certificate of candidacies.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT