Mga lakwatserong estudyante, target ng ordinansa sa Ilagan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga lakwatserong estudyante, target ng ordinansa sa Ilagan
ABS-CBN News
Published Sep 26, 2017 02:36 PM PHT
|
Updated Sep 26, 2017 04:22 PM PHT

Isinusulong sa lalawigan ng Ilagan City, Isabela ang panukalang “anti-truancy ordinance,” o ang pagpapaigting ng pagbabawal sa pagliban at pagka-cutting classes ng mga estudyante sa elementarya at high school.

Ito ang naging sagot ng lokal na pamahalaan sa dumadaming bilang ng mga estudyanteng nagka-cutting classes.

Sa kaso ng Isabela National High School (INHS) na mayroong halos 5,000 bilang ng mga estudyante, hindi na umano nababantayan ng eskuwelahan kung nakababalik pa sa kani-kanilang klase ang mga estudyante matapos ang break time.
Aminado ang principal ng INHS na si Marietta Lozada, nagka-cutting class na ang iba.
Kadalasan pa umanong nakikita ang mga nagku-cutting class sa mga mall at computer shop. Ang iba, napapasama pa raw sa inuman o sugal, ayon sa punongguro.

Ayon kay Councilor Jay Eveson Diaz, co-author ng panukalang ordinansa, nais nilang mailayo ang mga mag-aaral sa mga maling impluwensiya at nais masigurong nag-aaral ang mga ito.

Kapag naipasa ang ordinansa, bubuo ng anti-truancy board ang lalawigan na kabibilangan ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), barangay officials at Parents and Teachers Association.

Magkakaroon din ng pagroronda tuwing oras ng klase sa mga establisimyento na madalas puntahan ng mga estudyante gaya ng mga computer shop.

Pabor naman sa ordinansa ang mga magulang, estudyante, at ang mga eskuwelahan.

"I an looking forward na talagang it will be a great help," ani Lozada.

Sa ngayon, aprubado na ang ordinansa sa ikalawang pagbasa.
Magkakaroon muli ng committee hearing para plantsahin ang ordinansa at inaasahang maipapasa ito sa unang linggo ng Oktubre.

-- Ulat ni Denielle Rebollos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
balita
Headline Pilipinas
cutting class
Isabela
Ilagan City
anti-truancy ordinance
Denielle Rebollos
rehiyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT