DOH, nakatuon ang atensyon sa kalusugan ng mga mahihirap

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH, nakatuon ang atensyon sa kalusugan ng mga mahihirap

Arianne Apatan,

ABS-CBN News

Clipboard

COTABATO – Magandang balita ang hatid ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Ubial sa kanyang pagbisita sa Cotabato City ngayong araw.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng kalihim na nakatuon ngayon ang atensyon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na matugunan ang kalusugan ng mga mahihirap.

Ilan dito ang pagbibigay ng “Red Card” sa mga mahihirap, para agad silang maasikaso sa ospital.

"Sabi ng presidente, you take care of the poor and I will provide the funds," ani Ubial.

ADVERTISEMENT

Problema rin ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center ang kakulangan ng mga ward, bungsod ng dumaraming bilang ng mga pasyente.

Pangako ng DOH, kanila rin itong tutugunan, dahil ayaw na umano ni Ubial na makakita ng mga pasyenteng nananatili sa mga daanan ng ospital dulot ng kakulangan ng silid.

Inihayag din ng kalihim na ang pondo na mula sa Philippine Gaming Corporation ay inilaan na ni Duterte sa kagawaran ng kalusugan.

Ang pagbisita ni Ubial sa Cotabato ay kasabay sa centennial celebration ng Cotabato Regional and Medical Center.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.