Firing range inireklamo ng kalapit na subdivision dahil sa mga 'talsik' na bala
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Firing range inireklamo ng kalapit na subdivision dahil sa mga 'talsik' na bala
ABS-CBN News
Published Oct 05, 2018 07:45 PM PHT

Pansamantalang ipinahinto ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City ang operasyon ng firing range sa isang kampo ng Cavite police matapos magreklamo ang mga residente ng kalapit na subdivision na umaabot sa kanila ang mga bala.

Ito ay kasunod ng pagharap ng ilang residente ng Barangay Kaybagal South at ng mga opisyal ng Camp Francisco Ferma Mobile Force Company, na may firing range sa Tagaytay City.

Naipon ng ilang residente ang higit 100 slugs o basyo ng bala mula pa noong 2014, na galing umano sa firing range.

Reklamo ng residenteng si Amanda Amador na nagmistulang battle ground ng Marawi ang kanilang lugar dahil rinig ang mga putok ng baril galing sa firing range.

"Kala mo nasa Marawi kami...Talagang kapag nasa garden ka magda-duck ka kasi nararamdaman mo 'yung [tunog ng bala],” aniya.

Kuwento naman ng isa pang residente na si Cecilia Tolentino, natatakot silang maglakad sa labas ng kanilang bahay sa tuwing nagpuputukan sa firing range dahil baka tamaan sila ng mga ligaw na bala.

"Kapag naririnig namin na pumuputok na diyan sa firing range pasok na kami sa loob ng bahay," aniya.

Nabasag rin ang windshield ng sasakyan ni Tolentino na nakaparada lamang sa labas ng kaniyang bahay.

Pati mga bintana ng bahay ay nababasag rin daw dahil sa mga basyo ng balang tumatalsik.
Pati mga bintana ng bahay ay nababasag rin daw dahil sa mga basyo ng balang tumatalsik.
ADVERTISEMENT
May pader naman na nakaharang kaya nagtataka ang mga residente kung paano pa nakalulusot ang mga bala sa subdibisyon.

Pero para masigurong hindi na lalampas ang mga bala, nagkasundo ang city hall at Cavite police na ipahinto muna ang operasyon ng firing range.

Pinayuhan ng city hall na lagyan ng lambat ang likod ng firing range para maharangan ang mga basyo ng bala, ayon kay Cavite police director Senior Superintendent William Segun.

"Gagawin natin ang recommendation ng city administrator na tataasan 'yung net. Maglalagay ng net para hindi tatalsik 'yung mga slugs," ani Segun.

Labis naman ang pasasalamat ng mga residente dahil hindi na sila mangangamba na tamaan ng bala mula sa firing range.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT