Magkaklaseng nag-joyride, naaksidente; 1 patay, 8 sugatan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkaklaseng nag-joyride, naaksidente; 1 patay, 8 sugatan
RJ Rosalado,
ABS-CBN News
Published Oct 06, 2018 05:51 AM PHT

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 18 anyos na estudyante habang sugatan naman ang kaniyang 8 kaklase matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang pickup truck sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City Biyernes ng hapon.

Ayon kay Chief Insp. Arlan Delumpines, hepe ng Police Station 7, pauwi na ang mga biktima matapos mamasyal nang mangyari ang aksidente sa Sitio Lantawan.

Nawalan umano ng preno ang sasakyan habang pababa ito sa matarik na gilid ng bundok.

Dumausdos ang sasakyan at bumangga sa isang nakaparadang motorsiklo. Dumiretso ito sa paanan ng isang gulod at bumaligtad ng 4 na beses.

Nadaganan ng sasakyan ang 2 biktima kung saan isa rito ay binawian ng buhay sa ospital.

Dagdag ni Delumpines, nasa kritikal na kalagayan ang 2 mag-aaral habang nagtamo ng sugat sa katawan at ulo ang ilan.

Muntikan na ring mahulog sa isang malalim na bangin ang mga biktima.

Sa ngayon, kasalukuyang nagpapagaling sa magkakahiwalay na ospital ang 8 sugatan.

Samantala, ilang minuto matapos mangyari ang aksidente, nagbanggaan naman ang isang SUV at motorsiklo sa kaparehong lugar.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at aksidente nitong nasagi ang isang SUV pagdating sa isang blind curve.

Sugatan ang drayber ng motorsiklo na agad rin namang isinugod sa ospital.