NBI kinumpiska ang mga bigas na ilegal na inimbak sa Iligan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NBI kinumpiska ang mga bigas na ilegal na inimbak sa Iligan
Roxanne Arevalo,
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2018 07:35 PM PHT

ILIGAN CITY - Binalikan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang magkahiwalay na bodega na kanilang ininspeksyon noong nakaraang linggo kasama ang National Food Authority (NFA).

Pina-imbentaryo ni NBI Iligan District Office chief Abdul Jamal Dimaporo ang laman ng bodega matapos makatanggap ng utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na kumpiskahin ang itinagong mga bigas.

Mahalaga umano ito para mapatunayang lumampas sa pinahihintulutang dami ng bigas ang inimbak ng mga may-ari.

Una nang napag-alaman na retail store lang ang inirehistro ng may-ari sa NFA at hindi ang bodega.
Una nang napag-alaman na retail store lang ang inirehistro ng may-ari sa NFA at hindi ang bodega.
ADVERTISEMENT
Sa adjudication process ng NFA, inamin ng isang Pilipina na ginamit lang ang kaniyang pangalan ng dayuhang Tsino upang makapagnegosyo. Ipinagbabawal kasi sa batas ang pagkakaroon ng mga dayuhan ng negosyo sa bansa.

Naghihinala rin ang NBI na magkakuntsaba ang dalawang Tsino sa pagtatago ng bigas.

"Tingnan natin kung cartel. Kasi 'yung bodega rin dun nakita rin natin at 'yung bodega na may-ari din rito is isa lang ang book keeper nila, isa lang ang independent auditor nila," paliwanag ni Dimaporo.

Balak rin ng Bureau of Customs na sa kanilang kustodiya mapunta ang mga bigas. Ito ay dahil mayroon umanong mga palatandaang imported ang mga ito.

Posible umanong ipinuslit ito sa ilang daungan sa Mindanao. Hinala ni Customs Operations Officer 3 Renante Engracia na dummy lang ang mga umakong may-ari.

“There is a higher presumption na imported ang mga ito dahil sa uri ng sakong ginamit. Siguro printed ito sa labas ng bansa, ipinasok, at hinintay ang lean months at harvest. Saka ilalabas to make it appear it is local,” paliwanag ni Engracia.

Kung mapapatunayan, karagdagang kasong smuggling ang kanilang isasampa.

Duda rin sila na kabilang ang ilan sa mga bigas sa nawawalang smuggled rice sa Zamboanga.