KILALANIN: Babaeng gumagamit ng tinik ng isda sa kaniyang mga obra

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Babaeng gumagamit ng tinik ng isda sa kaniyang mga obra

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maraming tinik sa buhay na kailangang lampasan para magtagumpay.

Ito ang hugot ng isang 26 anyos na artist na nanalo sa isang national art competition para sa kaniyang obrang gawa sa mga tinik ng isda.

Nanalo si Jessica Lopez, na binansagang "Lady Fishbone," sa Maningning Miclat art competition sa Maynila kung saan pinataob niya ang 62 iba pang online entries.

Nanalo ang kaniyang obrang "Motion of Life" kung saan tila gumagalaw ang mga tinik sa kaniyang gawa.

ADVERTISEMENT

"Masaya talaga dahil hindi ko naman inaasahan na ganyan eh," ayon sa kaniyang amang si Joseph Evangelista.

Apat na taon nang ginagawa ni Lopez, na isang business administration graduate, ang mga artwork gamit ang tinik ng isda.

Ang tatay ni Lopez mismo ang nangongolekta ng tinik ng isda sa palengke, at ibinababad sa tubig para malinis ang laman.

Isa sa kaniyang artwork ang pulang canvas na may mga tinik na unti-unting nauubos, hango sa librong "Maybe You'll Love Me When I'm Gone" ni Meil Castro.

Naibenta na ni Lopez ang kaniyang mga artwork at pinaghahandaan ang kaniyang solo exhibit sa Maynila.

-- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.