Bagyong Pepito lumakas pa; ilang lugar sa Luzon binaha

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagyong Pepito lumakas pa; ilang lugar sa Luzon binaha

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Lumakas at naging isang tropical storm nitong Martes ng umaga ang bagyong Pepito at inaasahang tatama sa Aurora sa pagitan ng alas-6 at alas-10 ng gabi.

Itinaas na ng state weather bureau PAGASA ang signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • La Union
  • Pangasinan
  • Ifugao
  • Benguet
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Aurora
  • Timog na bahagi ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
  • Timog na bahagi ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
  • Hilagang bahagi ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
  • Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar) kasama ang Polillo Islands

Samantala, nasa signal number 1 naman ang mga sumusunod:

  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Bataan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, Real)
  • Natitirang bahagi ng Zambales

Sa ngayon, nasa 110 kilometers silangan ng Baler, Aurora ang bagyong Pepito, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometers per hour, at pagbugsong 90 kilometers per hour.

ADVERTISEMENT

Bahagyang bumilis ang pagkilos nito sa 30 kilometers per hour patungong west-northwest.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, lubog na sa baha ang maraming barangay sa Lopez, Quezon dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Stranded din ang mga sasakyan patungo sa Calauag dahil hindi makatawid sa highway.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, buong araw namang nakaranas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang probinsiya ng Aurora.

Pero maagang naghanda ang ilang residente para sa bagyong Pepito na nararamdaman na sa probinsiya.

ADVERTISEMENT

Malaki na ang alon sa baybayin ng Baler kaya ang ilang mangingisda ay nagligpit na ng kanilang mga bangka.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Santiago, Isabela, nagsimula nang mag-ikot ang mga kawani ng barangay para abisuhan ang mga residente, lalong-lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog.

Maghapon namang nakaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang buong lalawigan ng Pampanga. Binaha ang ilang bahagi ng probinsiya tulad ng Guagua, Macabebe, at Masantol.

—Mula sa ulat nina Dennis Datu, Jeck Batallones, at Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.