Ilang nilikas sa Muntinlupa dahil sa bagyong Quinta, nakauwi na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang nilikas sa Muntinlupa dahil sa bagyong Quinta, nakauwi na
Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Oct 27, 2020 05:39 AM PHT
|
Updated Oct 27, 2020 05:40 AM PHT

MAYNILA - Mahigit 1,000 na mga residente ng Muntinlupa City ang unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga bahay matapos silang nilikas nitong Lunes dahil sa bagyong Quinta.

Higit 250 na mga pamilya ang pansamantalang inilipat sa walong covered court sa mga barangay ng Poblacion, Buli, Alabang, Cupang, at Bayanan.

Ang lungsod ay malapit sa Laguna de Bay kaya may ilang bahagi ang binaha at nakaranas ng malakas na hangin.

Binigyan ng pagkain at medical check-up ang mga residente sa evacuation site.
Binigyan ng pagkain at medical check-up ang mga residente sa evacuation site.
ADVERTISEMENT
Nagpatupad rin ng health protocol ang mga awtoridad kagaya ng pagsuot ng face mask at face shield bunsod ng pandemiya.

Marami na ang umuwi para inspeksyunin ang kanilang bahay. At dahil wala ng malakas na ulan ang nararanasan, inaasahan na makakauwi na ang lahat sa kanilang bahay ngayong Martes.

Read More:
Muntinlupa
Muntinlupa evacuees
bakwit
Muntinlupa evacuation
Quinta
bagyo
storm
Muntinlupa updates
Quinta updates
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT