Sasakyang minamaneho ni Allan Bigcas nahulog sa riprap sa CDO
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sasakyang minamaneho ni Allan Bigcas nahulog sa riprap sa CDO
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2019 03:18 AM PHT

CAGAYAN DE ORO—Nahulog sa ginagawang riprap ang sasakyan na minamaneho ng controversial businessman na si Lynard Allan Bigcas sa Barangay Bayanga, Cagayan de Oro Martes ng madaling-araw.

Nagtamo ng minor injury si Bigcas pero hindi na siya dinala sa ospital, ayon sa pulisya.

Posibleng mabilis umano ang takbo ng sasakyan kaya nahulog sa ginagawang riprap sa Sitio Macahambus na may 15 talampakan ang lalim.

"Hindi siguro niya na-maneuver dahil medyo mabilis ang takbo niya," ani Police Staff Sgt. Jeremy Valmores, traffic investigator ng Lumbia Police Station.

Naging laman ng balita noong 2011 si Bigcas matapos marekober sa kaniya ang motorsiklo ng isang Hollywood screenwriter at iba pang luxury vehicle sa kaniyang bahay sa Talakag, Bukidnon.

Nasangkot din si Bigcas sa insidente ng pamamaril sa Davao City noong 2012 at nahuli sa parehong taon dahil sa pagdadala umano ng armas at droga.

Tumakbo si Bigcas noong 2013 bilang gobernador ng Bukidnon pero natalo.—Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News