Dahil sa gitgitan? Motorcycle rider na nambato ng bus, pinaghahanap

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dahil sa gitgitan? Motorcycle rider na nambato ng bus, pinaghahanap

ABS-CBN News

Clipboard

Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang isang motorcycle rider na nahuli sa CCTV na nambato ng isang bus sa lungsod ng San Pablo, Laguna.

Sa kuha ng CCTV noong madaling araw ng Linggo, Oktubre 28, mapapanood na tumabi sa kalsada sa may Barangay San Nicolas ang isang motorsiklong may sakay na dalawang rider.

Bumaba ang isa sa mga rider at tila may inabangan sa gilid ng kalsada habang may hawak na bato.

Video mula kay Bayan Patroller TJ Reyes

Biglang binato ng rider ang hawak niyang bato sa direksiyon ng padaang bus na may plakang UYE457.

ADVERTISEMENT

Agad pinuntahan ng mga taong nakasaksi sa insidente ang mga rider pero hindi nila napigilan ang mga ito na umalis.

Pinagamot sa ospital ang konduktor ng bus na tinamaan ng bato sa kaniyang mukha, ayon kay Superintendent Eliseo Bernales ng San Pablo police.

Ayon kay Bernales, posibleng nagkaroon ng gitgitan sa pagitan ng bus at motor kaya nagawa ng rider ang pambato.

"Base sa pagtatanong natin doon sa ilang tambay or witness na nandoon po sa lugar, iyon pong rider ay galit po, galit daw po doon sa driver, sa bus na kaniyang binato," sabi ni Bernales.

"Maaari pong nagkaroon ng gitgitan sa pagitan ng bus at rider."

ADVERTISEMENT

Nag-imbita na ng dalawang rider group sina Bernales pero itinanggi ng mga ito na kilala nila ang mga nambatong rider.

"Maaaring ito po ay taga-ibang lugar na napadaan lang po ng San Pablo City," ani Bernales.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang San Pablo police sa mga pulis sa mga karatig-bayan para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Posible namang makasuhan ang mga rider ng physical injury at damage to property, ani Bernales.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.