Mahigit 500 pamilya, inilikas sa Maynila dahil sa bagyong Rolly

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 500 pamilya, inilikas sa Maynila dahil sa bagyong Rolly

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Inilikas ang ilang mga pamilyang nakatira sa Isla Puting Bato sa lungsod ng Maynila nitong Linggo ng umaga. Jerome Lantin, ABS-CBN News

MAYNILa - Mahigit 500 pamilya ang inilikas sa lungsod ng Maynila dahil sa bagyong Rolly.

Sa huling tala ng Manila Public Information Office nitong alas-6 ng gabi nitong Linggo, 551 pamilya ang nananatili sa limang evacuation center.

Kabilang dito ang Baseco Evacuation Center na may 148 na pamilya at Rosauro Almario Elementary School na may 120 na pamilya.

Nasa 87 na pamilya naman ang pansamantalang nananatili sa Barangay 101 Covered Court habang 156 na pamilya ang nasa Barangay 128 Complex.

ADVERTISEMENT

Mayroon ring 40 pamilya sa Barangay 105 Covered Court.

Tiniyak naman ng Manila Health Department na napananatili ang physical distancing sa mga evacuation center.

Isinasailalim sa swab test ang mga symptomatic o nakitaan ng sintomas ng COVID-19. Pansamantala silang inililipat sa Delpan Quarantine Facility habang naghihintay ng resulta.

Pagsapit ng alas-7 ng gabi, humina na ang hangin at tumigil na ang pag-ulan sa lungsod ngunit tinitiyak ng lokal na pamahalaan na nakaantabay ang mga awtoridad sa maaaring maging epekto ng bagyong Rolly.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.