2 miyembro ng NPA sa Eastern Samar, sumuko
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 miyembro ng NPA sa Eastern Samar, sumuko
Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2018 08:43 PM PHT

Sumuko sa Eastern Samar Police Mobile Force Company ang dalawang dating commander ng New People's Army.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, kinilala ang dalawang dating rebelde na sina alyas "Nestor" at alyas "Joel."

Residente si Nestor, 40, ng Barangay Pilit sa bayan ng Basey, Samar.

Commander umano si Nestor sa ilalim ng Jorge Bolito Command. Isinuko rin niya ang isang kalibre .45 at isang 9-millimeter na baril kasama ang bala at magazine.

Sumuko rin si Joel, 34, residente ng Barangay Loog, Basey.

Si Joel ang umano'y political instructor ng national command ng NPA. Isinuko niya ang isang shotgun kasama ang magazine at mga bala.

Ipinresenta ng pulisya ang dalawang sumukong rebelde sa isang command conference sa rehiyon.

Isasailalim ang dalawa sa Enhanced Comprehensice Local Integration Program (E-CLIP) kung saan tutulungan sila sa pamamagitan ng iba't ibang programa upang makapagbagong buhay.