Mag-pinsang menor de edad patay sa aksidente

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-pinsang menor de edad patay sa aksidente

Dianne Dy,

ABS-CBN News

Clipboard

LAOAG CITY - Patay ang mag-pinsan na kapwa menor de edad matapos mabangga ang sinasakyan nilang tricycle, madaling araw ng Sabado.

Sa imbestigasyon, pauwi na sana ang mga biktima sakay ng tricycle nang banggain sila ng kasalubong na AUV sa national highway ng Barangay Bengcag dito.

Ayon sa pulisya, umagaw ng linya ang AUV na minamaneho ng 18-anyos na si Leand Mao Agustin.

“Posibleng mabilis at nakatulog ang drayber na si Leand... dahil sa kalasingan, wasak ang harapan ng AUV. Ang tricycle naman para itong latang nayupi,” ayon kay PO2 Melmar Antonio.

ADVERTISEMENT

Dead on arrival sa ospital ang mag-pinsan.

Agad namang naaresto ang driver ng AUV at posibleng maharap sa kasong double homicide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.