Driver ng SUV sa Cavite shootout, iginiit na wala siyang kasalanan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Driver ng SUV sa Cavite shootout, iginiit na wala siyang kasalanan
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Nov 11, 2020 12:36 AM PHT
|
Updated Nov 11, 2020 01:34 AM PHT

MAYNILA (UPDATE)- Iginiit ng sumukong driver ng SUV na sangkot sa naganap na shootout sa Cavite City noong Biyernes na wala siyang kasalanan.

Ayon kay Reymund de Leon na hawak na ngayon ng Cavite Police, natakot lamang siya na madamay sa pamamaril kaya agad na tumakas dala ang sasakyan.

Inutusan lamang din umano siya ng napatay na suspek na si Methusael Cebrian na isara ang bintana hanggang sa nakita na lang niya itong kumuha ng armas at nagsuot ng bonnet.

Pagbaba ng amo, narinig na niya ang sunud-sunod na putok ng baril.
Pagbaba ng amo, narinig na niya ang sunud-sunod na putok ng baril.
ADVERTISEMENT
Ngunit ayon kay Cavite City Police deputy chief Maj. Jonathan Estrada, inaalam pa ang naging partisipasyon ni De Leon sa pangyayari.

Ilang nakasaksi sa insidente rin umano ang nagsabi na nakiusap pa ang mga pulis sa suspek ngunit itinuloy pa rin nito ang pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ni Police CMSgt. Julius Ascaral.

Kinumpirma rin ni Estrada na may kasong defamation si Cebrian sa Cavite City matapos murahin ang isang teacher.

Bukod pa ang kinasangkutang panunutok ng baril noong Enero 2016 sa Mandaluyong.