Lalaki nalunod sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa Isabela

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nalunod sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki dahil sa pagkalunod nang umapaw ang sapa sa bayan ng Jones, Isabela dulot ng bagyong Ulysses nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Mark Angelo Atabug, 27-anyos na construction worker at residente ng Barangay Esperanza sa bayan ng Angadanan.

Sa imbestigasyon ng Jones Police, pansamantalang nanunuluyan ang biktima sa isang bunkhouse kasama ang iba pang trabahador ng mini dam sa Barangay Dicamay 1.

Inilikas sila ng mga opisyal ng barangay dahil sa umaapaw na tubig sa sapa malapit sa kanilang bunkhouse.

ADVERTISEMENT

Pero sa hindi pa malaman na dahilan ay bumalik umano ang biktima doon at inabutan ng pagguho ng lupa sa bunkhouse.

Sa pag-aakalang makaliligtas ay tumalon umano ang biktima sa sapa, pero inanod siya hanggang malunod.

Natagpuan ang biktima na wala ng buhay sa bahagi ng sapa sa Sitio Dicaboguew.

- Ulat ni Harris Julio

Watch more in iWantv or TFC.tv

Abot hanggang bubong ang baha sa ilang bahay sa Barangay Mabini at Calao East sa Santiago City, Isabela. Umapaw ang ilog matapos ang pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses. Inilikas ang mga apektadong residente. Video courtesy of Aiz Zingkit Ramos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.