Isa sa mga guro sa Bataan bus accident, inilarawan ang trahedya

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isa sa mga guro sa Bataan bus accident, inilarawan ang trahedya

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 13, 2022 08:53 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Paika-ika pa si Genalyn Morales nang bumisita sa burol ng gurong si Janice Pontillas, na nasawi matapos mahulog ang sinsaskyang bus sa bangin sa Orani, Bataan noong Nobyembre 5.

Kuwento ni Morales, magkatabi sila sa upuan ni Pontillas nang mangyari ang trahedya.

"May [dumaan] pong pick-up na papasok po sa resort so doon pa lang umatras na po ng ano yung bus, pangalawang beses, so nagsigawan na po doon, pero naging okay naman pero after mga ilang minutes, lumiko sa pinaka-kurbada, parang pabilog na yung kurbada eh so siguro hindi na na-kontrol ng driver, baka di na kumabig yung preno kasi doon pa lang sa simula ang tingin po namin dun, napuwersa po siguro yung preno so dun pa lang kasi ilang minutes pa lang po eh dirediretso na po eh," ani Morales.

Pagkatapos nito, tuluyan nang nahulog sa bangin ang bus. Dito na sabay-sabay nagdasal ang mga guro.

ADVERTISEMENT

"So noong nagdadasal na po yung nag bounce na po yung bus, dun po nagsipagtalsikan yung mga nasa likuran, isa po dun sa tumalsik si Ma'am .[Janice] na katabi ko po, tingin ko po dun kasi medyo tumayo si ma'am kaya siguro tumalsik siya," ani Morales.

Dagdag pa niya: "Mayroon po kaming mga nabanggang mga puno, malalaking kawayan kaya hindi po nagdire diretso ang bus so kung wala po yun siguro baka dire diretso po kami."

Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kaniyang kapwa-guro.

"Hindi pa po namin lubos maisip na wala na po siya kasi nung chineck pp sabi naman may heartbeat pa. Nagpapasalamat po ako sa mahal na Diyos kasi binigyan pa po kami ng pabgalawang buhay kasi alam po niya na maliliit pa po yugn anak ko."

May huling pasalamat din ang mga estudyante ni Pontillas.

ADVERTISEMENT

"Salamat sa pagtuturo. Kasi lagi niya ako binibigyan ng pagkain kapag wala akong pagkain sa school," anang estudyante na si Paolo Cometa.

Malaki ang pasasalamat ng mister ni Pontillas na si Allan sa pagbuhos ng mga nakikiramay. Humingi din siya ng paumanhin sa asawa dahil nagkawalay sila nang magtrabaho siya sa ibang bansa.

"Nung time na kailangan niya ako, dun pa talaga na wala ako, wala akog nagawa sa kanya, humihingi ako ng tawad sa kanya kasi yung pinakaimportanteng ano oras na kailangang kailangan niya ako dun pa ako wala. Lahat ng mga gusto mo wag ka magalala kasi lahat yun ay gagawin ko Mahal kita noon, mahal kita ngayon, at mamahalin kita habang panahon," ani Allan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa Department of Education ng Quezon CIty, sumasailalim na rin sa psychosocial debriefing ang mahigit na 20 sakay ng bus.

ADVERTISEMENT

Sa Nobyembre 14 ililibing si Pontillas sa Montalban, Rizal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.