2 suspek sa holdap, rape ng magkaklase sa Caliraya Lake nahuli na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 suspek sa holdap, rape ng magkaklase sa Caliraya Lake nahuli na
ABS-CBN News
Published Nov 14, 2022 12:18 PM PHT
|
Updated Nov 14, 2022 07:12 PM PHT

MAYNILA — Naaresto na ng mga pulis sa Lumban, Laguna ang 2 suspek na hinihinalang nangholdap at nambugbog sa 2 estudyanteng namamasyal sa Caliraya Lake at gumahasa pa umano sa babaeng biktima noong Biyernes ng gabi.

Sa follow up operation nitong Sabado ng umaga, natimbog sa checkpoint ang isang 38-anyos na construction worker at isang 35-anyos na welder. Tumugma sa description ng sasakyang ginamit sa krimen ang tricycle na sinasakyan nila nang parahin ng mga pulis.

Arestado din ang live-in partner ng 2 suspek matapos makumpiska sa mga ito ang 2 cellphone na pag-aari ng mga biktima.

Narekober din sa mga suspek ang pares ng tsinelas ng mga biktima at ang isang replica ng maiksing baril na siyang ginamit umanong panakot sa mga biktima.

Positibong kinilala ng 18-anyos na estudyanteng lalaking biktima ang mga suspek nang dalhin ang mga ito sa istasyon ng pulis.

Nananatili naman sa ospital ang menor de edad nitong babaeng kaklase dahil sa tinamong sugat nito sa ulo.

Dakong alas-10 ng gabi noong Biyernes nang tutukan ng baril at holdapin umano ng mga suspek ang mga biktima sa gilid ng Caliraya Lake.

Puwersahan umanong pinasakay ang mga biktima sa tricycle ng mga suspek at dinala sa liblib na lugar sakop ng Barangay Lewin, kung saan binugbog ang 2 estudyante at saka hinalay ang babae.

Nakakulong na ang mga suspek sa Lumban Police Station at nakatakdang sampahan ng kaso sa provincial prosecutors office sa Sta. Cruz, Laguna.

— Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT