Bahagi ng Julia Vargas bridge isasara simula Nobyembre 21
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng Julia Vargas bridge isasara simula Nobyembre 21
ABS-CBN News
Published Nov 20, 2020 10:10 PM PHT

Isasara simula Nobyembre 21 ang isang bahagi ng Julia Vargas bridge sa Pasig City na nakitaan ng matinding pagkasira.

Tatlumpu't anim na taon na ang tulay, at mula noon ay hindi pa ito nakukumpuni, ayon sa mga awtoridad. Dahil dito, kinalawang ang mga steel girder na sumusuporta sa tulay.

Mula alas-6 ng umaga ng Nobyembre 21 isasara ang eastbound direction ng tulay.

"Sa assessment ng mga bridge engineers, nag-corrode na 'yung mga steel girders kaya parang umupo na 'yung girders dahil sa kalawang," ani Ador Canlas ng Department of Public Works and Highways sa Metro Manila.

Mahigit 21,000 ang mga sasakyang dumaraan sa naturang tulay sa daan papunta sa City Hall.

Nasa 29,000 naman ang gumagamit ng tulay para pumunta sa C5 araw-araw.

Utay-utay ang paggawa sa tulay para hindi maging matindi ang epekto sa mga motoristang gagamit nito. Bawal na ring dumaan ang mga truck.

Nakipagtulungan naman ang Pasig local government at Metropolitan Manila Development Authority para isaayos ang traffic management oras na isara ang isang lane.

Naglabas na rin sila ng mga alternatibong ruta. Ang mga mabibigat na truck, sa Ortigas Avenue muna pinadadaan.

Aabutin ng 2 linggo ang pagkukumpuni, ayon sa tantiya ng DPWH, kung wala silang ibang makikitang tama o sira sa tulay.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Julia Vargas
Julia Vargas bridge
Pasig City
bridge repairs
MMDA
Julia Vargas bridge closure
Pasig
traffic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT