Tensiyon sumiklab sa demolisyon ng residential area sa Quezon City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tensiyon sumiklab sa demolisyon ng residential area sa Quezon City

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagkaroon ng tensiyon sa pagpapatupad ng demolition order sa isang komunidad sa Novaliches, Quezon City ngayong Martes.

Binitbit ng mga apektadong residente ang poste ng ginibang basketball ring para iharang sa entrada ng kanilang lugar sa Geronimo Street.

Anila, ayaw nilang papasukin ang demolition team na gigiba sa kanilang mga bahay matapos hindi magkasundo sa hinihiling nilang kondisyon.

Aminado ang mga residenteng hindi nila pag-aari ang lupa na kinatitirikan at payag naman silang umalis. Pero, anila, sana'y mabigyan sila ng relokasyon at pera para makapagsimula muli.

ADVERTISEMENT

Nauna nang inalok sa mga residente ang P5,000 pero itinaas ito sa P10,000 matapos pumalag ang mga residente.

May ilang residente nang pumayag sa P10,000, pero may higit 60 pa ang ayaw umalis, kabilang si Teresita Baldano na tumatayong lider ng mga tumututol na residente.

"Hindi kami tatanggap ng P10,000. Ang gusto namin 'yong relocation," ani Baldano.

"Nagsikap ako na ipagawa ang bahay ko, tapos gaganyanin lang nila," sabi naman ng isa pang residenteng si Angelita dela Cruz.

Nangangamba ang isa pang residenteng si Cecille Cabugo dahil wala aniyang permanenteng trabaho ang kaniyang asawa.

ADVERTISEMENT

Kulang din aniya ang P10,000 pang-renta sa bagong tirahan, at hindi rin umano sila makakalipat sa malayong lugar dahil sa pag-aaral ng mga anak.

Bagaman masakit sa loob dahil tatlong dekada nang nakatira sa lugar, pumayag namang umalis si Julio Baldano para makaiwas sa gulo.

"Nagsimula na akong magbaklas kaysa ma-ano pa. Walang mapakinabangan. Mas mahirap," sabi niya.

Ayon kay Carol Bulacan, assisting sheriff ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84, kakausapin ulit nila ang mga tumangging residente kapag natapos matulungan sa pagbabaklas ang mga pumayag.

Taong 2019 pa dapat ide-demolish ang nasa higit 100 bahay pero ngayon lang ito itinuloy dahil sa COVID-19 at pakiusap ng mga residente.

ADVERTISEMENT

Idinulog na rin ng mga apektadong residente ang problema sa lokal na pamahalaan ng Quezon City pero wala pa umano itong tugon.

Wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan kung anong ayuda ang maibibigay sa mga residente.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.