11 prangkisa ng Dimple Star Bus, kinansela ng LTFRB
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
11 prangkisa ng Dimple Star Bus, kinansela ng LTFRB
Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2018 01:48 PM PHT

MANILA - Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 11 prangkisa ng Dimple Star Bus Company Martes, dahil sa pagkakasangkot nito sa mga aksidente na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng mga pasahero.

Ayon sa tala ng LTFRB, 29 ang nasawi habang 134 naman ang nasugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng mga unit ng Dimple Star mula 2011-2018. Kabilang dito ang pagkahulog ng isang bus sa isang bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Marso 2018.

"Hindi na katanggap tanggap pa na marami na ang nasawi at paulit ulit na lang na nasasangkot sa aksidente ang Dimple Star," ani LTFRB Chairman Martin Delgra III

Aabot sa 118 bus ng Dimple Star ang apektado ng pagkawala ng kanilang prangkisa, sabi ni Delgra.