2 lalaki, arestado sa tangkang panunuhol ng pulis

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki, arestado sa tangkang panunuhol ng pulis

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO – Hinuli ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) nitong Miyerkoles ang 2 lalaki dahil sa tangkang panunuhol nang maharang ang kanilang mga sasakyan.

Unang naharang ang kotse na minamaneho ni Gary Ranalan dahil hindi updated ang Land Transportation Office (LTO) sticker na nakadikit sa windshield.

Napag-alaman na noong nakaraang taon pa pala ito huling narehistro sa LTO.

Sa sunod na pagpatrolya ng HPG, isang pick-up naman na minamaneho ni Franklin John Ramos ang kanilang naharang dahil hindi awtorisado ang ginamit nitong plate number.

ADVERTISEMENT

Nalaman din na noong Hulyo 2015 pa ito huling narehistro sa LTO.

“Mare-release lamang namin ang kanilang mga sasakyan kung naayos na nila ang kanilang mga dokumento sa LTO. Sa LTO din nila tutubusin ang kanilang mga lisensiya,” ani SPO1 Sergs Maceren ng HPG.

Bumalik sa opisina ng HPG sina Ranalan at Ramos kung saan nakunan ng video ang 2 na nagtangkang mag-abot ng pera sa pulis.

Si Ranalan sinubukang bigyan ng P1,000 ang pulis, habang P4,000 naman ang ibibigay ni Ramos.

“Gusto nilang magbayad para makiareglo sa amin at mai-release na ang kanilang mga sasakyan kahit hindi pa nila naayos ang problema sa LTO,” dagdag ni Maceren.

Hindi na nagbigay ng komento ang 2 suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 212 sa Revised Penal Code o Corruption of Public Official.

Ngayong taon, 8 tao na ang nasampahan ng kaso ng HPG sa Cagayan de Oro dahil sa tangkang panunuhol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.