Mga modernong PUV, inilunsad sa Cagayan de Oro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga modernong PUV, inilunsad sa Cagayan de Oro

Angelo Andrade,

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO CITY - Inilunsad nitong Martes ng Oro Transport Service Cooperative (OROTSCO) ang 15 modernong Public Utility Vehicles (PUVs) sa Cagayan de Oro City.

Lima sa mga ito ay airconditioned habang 10 ang non-aircon na bibiyahe sa ruta mula Barangay Bugo hanggang Opol sa Misamis Oriental.

Kumpara sa ordinaryong jeep, ipinagmamalaki ng OROTSCO ang ilang modernong kagamitan sa PUV gaya ng wifi, CCTV, tracking system at ang Beep card machine para card na lang ang gamitin ng mga pasahero kung magbabayad.

May 23-seating capacity ito at hanggang 8 pasahero ang papayagan nilang tumayo sa gitna.

ADVERTISEMENT

Inilabas na rin ng LTFRB ang taripa para sa ruta na dadaanan ng mga modernong PUV.

Mula sa P7, magiging P9 ang pamasahe sa unang apat na kilometro habang P1.70 ang succeeding meter sa airconditioned at P1.40 naman sa non-aircon.

Ang OROTSCO ang kauna-unahang kooperatiba sa Cagayan de Oro na nakapaglunsad sa modernong PUV bilang tugon sa PUV modernization program ng gobyerno.

Naghahanap na sila ngayon ng 40 driver at passenger assistant officer na arawan ang sweldo at meron pang mga benepisyo.

Target ng OROTSCO na makapagsimula ng biyahe ang mga modernong PUV sa Disyembre 15.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.