Tulong-pinansiyal sa mahihirap madadagdagan sa ilalim ng 4Ps Act
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulong-pinansiyal sa mahihirap madadagdagan sa ilalim ng 4Ps Act
ABS-CBN News
Published Dec 10, 2019 06:22 PM PHT

Dalawang taon nang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pamilya ni Florabel Gachero.

Nakatatanggap si Gachero ng higit P2,000 cash grant kada buwan mula sa pamahalaan kapalit ng pagtiyak na ang 2 niyang anak ay nasa elementarya, laging pumapasok sa eskuwelahan, at ang kaniyang sanggol naman ay regular na pinapa-check up sa health center.

Ngayong naisabatas na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program at nilagdaan na rin ang implementing rules and regulations (IRR) nito, madadagdagan pa ang tulong-pinansiyal na ibinibigay ng pamahalaan sa mahihirap gaya nina Gachero.

Sa ilalim ng bagong batas, ang buwanang health grant na matatanggap ng household beneficiary ay magiging P750 mula P500.

Magiging P700 kada buwan mula P500 ang education grant ng anak na nasa senior high school.

Ang P200 kada buwan na unconditional cash grant sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act ay magiging P300.

Kabilang din sa mga benepisyong matatanggap ng 4Ps household beneficiaries ay ang P600 kada buwang rice subsidy na ibibigay bilang cash grant.

Bibigyang prayoridad din ng batas ang pinakamahihirap sa lipunan gaya ng mga pamilyang walang tirahan, walang regular na trabaho, at mga katutubo.

Mayroong higit 4 milyong benepisyaryo ang 4Ps ngayon pero ayon sa Department of Social Welfare and Development, madadagdagan pa ito ng 300,000 bago mag-2022.

Base sa IRR, magkakaroon ng 3 buwang transition period bago tuluyang maipatupad ang batas sa Abril 2020.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
benepisyo
tulong pinansiyal
Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act
Pantawid Pamilyang Pilipino Progra
4Ps
4Ps Act
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT