Fr. Chito Soganub recalls horror in the hands of terrorist
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fr. Chito Soganub recalls horror in the hands of terrorist
Cherry Palma,
ABS-CBN News
Published Dec 12, 2017 07:07 PM PHT

Binalikan ni Reverend Father Teresito “Chito” Soganub ang kanyang karanasan noon siya ay nasa mga kamay ng Maute group sa Marawi City noong Mayo 23, 2017.

Ibinahagi ni Soganub ang kuwento sa pagbisita muli sa mga kamag-anak sa Lambunao, Iloilo na may isang taon na niyan hindi nakikita.

Ayon kay Soganub, ang pambobomba, mga tanke, at palitan ng putok ay laman pa rin ng kanyang mga panaginip.

Noong mga panahon na iyon, wala umano siyang magawa kung di ang manalangin para na rin sa kanyang kaligtasan.
Noong mga panahon na iyon, wala umano siyang magawa kung di ang manalangin para na rin sa kanyang kaligtasan.
ADVERTISEMENT
Inamin din ni Soganub na may ilang beses rin niyang kinuwestiyon ang Diyos pero hindi niya binitiwan ang kanyang paniniwala.

Dinukot kasama ng ilang sibilyan si Soganub sa compound ng Cathedral of St. Mary. Nasagip ang pari noong Setyembre nang makuha muli ng tropa ng pamahalaan ng Bato mosque sa Marawi City.

Itinuturing ni Soganub bilang pangalawang buhay ang kanyang pagtakas at pagkakaligtas mula sa mga kamay ng Maute group.

Samantala, masaya ang mga kaanak ni Soganub sa kanyang pagbisita muli sa Iloilo.

Sabi ng kanyang pinsan na si Leonida Suria, lubhang nagalala sila matapos na malaman sa balita ang pagkakadukot sa kanya. Wala din umano silang magawa kung di ang manalig sa Diyos at ipagdasal ang kanyang kaligtasan.

Nag-misa naman noong Linggo si Fr. Soganub sa simbahan sa bayan kung saan hinimok niya ang lahat na manalig sa Diyos.

Ipinagdadasal din niya na malampasan ang karanasan sa pamamagitan ng trauma healing, gayundin ang muling paglilingkod sa Simbahan sa Marawi City.

Nakatakdang bumalik sa Maynila si Soganub sa Miyerkoles.