Insidente ng hacking sa social media, nauwi sa scam

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Insidente ng hacking sa social media, nauwi sa scam

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Inirereklamo ng isang netizen ang patuloy na pangloloko ng isang scammer gamit ang kaniyang Facebook account na na-hack.

Ayon kay Hazel Kaye Verceles na taga San Fabian, Pangasinan, inalok siya ng trabaho ng isang lalaking nagpakilala na si Chael Catimbuhan noon pang December 2019.

Pina-input umano sa kanya ang email sa isang link at pagkatapos nito, na-hack na siya at hindi na niya ma-access ang kanyang account.

Nahuli pa niya na ginagamit ng hacker ang kaniyang Facebook account sa pang-scam.

ADVERTISEMENT

Nagbebenta umano ang hacker ng iba't ibang gamit tulad ng gadgets, face shield, at ibang serbisyo kagaya ng investment sa cryptocurrency gamit ang hacked account ni Verceles at kapag nakuha na ang pera, bigla na lang mawawala ang hacker o kaya ay blocked na ang account ng bumili sa kanya.

Inireport ni Verceles ang insidente sa PNP Regional Police Office 1 sa La Union, pero hindi pa rin nate-take down ang account.

Ongoing pa umano ang imbestigasyon ng pulisya, pero active pa rin ang account ngayon at nakakapambiktima pa rin.

Marami na umanong nabibiktima ang hacker at hiling ni Verceles na ma-take down na ang hacked page niya para di na magamit sa pangloloko.

Babala niya, huwag bumili ng item o mag-invest kung may lalapit sa inyo gamit ang kaniyang hacked account.

Maging mapanuri din sa mga ka-transaksyon online lalo na kung hindi pa nakikita ng personal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.