Lalaking wanted sa pagpatay, rape sa mga menor de edad arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking wanted sa pagpatay, rape sa mga menor de edad arestado
MAYNILA — Matapos ang ilang taong pagtatago, nasakote ang isa sa most wanted ng Hagonoy Police sa Oplan Galugad ng pulisya sa Quezon City, noong October 1.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jewel Nicanor ng QCPD Station 2, may 2 warrants of arrest ang 34 taong gulang na suspek para sa kasong Consented Abduction with Rape at Murder ng dalawang menor de edad.

Dagdag ni Nicanor, October 1 nang maaresto nila ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon na sa lugar nila nagtatago.

Una nilang hawak ang warrant of arrest ng suspek para sa pagdukot at panghahalay umano niya sa 12 taong gulang na babae sa Hagonoy, Bulacan noong 2010.

“Accordingly inabduct nitong suspek itong ating minor at doon niya isinagawa yung panghahalay na naging dahilan ng paglabas ng warrant of arrest against sa suspect na ito,” sabi ni Nicanor.

Habang nakakulong ang suspek ay napag alaman din ng pulisya na may isa pang arrest warrant ang suspek para sa pananaksak at pagpatay sa isang 14 taong gulang na lalaki sa Hagonoy, Bulacan din noong 2012 .

“Yung minor na biktima niya is naglalakad sa kalsada hinarang niya during that time, itong ating suspect ay lango sa alak at nasaksak niya itong bata na naging sanhi ng pagkamatay ng minor na biktima niya,” sabi ni Nicanor.

Ayon sa pulisya, nahirapan umano sila na matunton ang suspek dahil nagpalipat lipat siya ng lugar na tinitirhan at nagpapalit din siya ng kanyang gamit na pangalan.

“Na-find out namin na nandito siya for more than three years na nagtatago because aware siya na meron siyang warrant of arrest, gumamit ng ibang pangalan na during his arrest na identify ng ating witnesses at mga operatiba,” sabi ni Nicanor.

“Sa husgado na lang po magsasalita,” sabi ng suspek.

Nakakulong na sa QCPD Station 2 ang suspek habang inihahanda ang kanyang return of warrant.