Lalaki nahulog umano sa underpass sa QC, nagulungan ng truck

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nahulog umano sa underpass sa QC, nagulungan ng truck

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang lalaki matapos umanong mahulog mula sa Aurora underpass northbound sa Quezon City at bumagsak sa dumadaang tanker truck saka nagulungan nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa driver ng tanker truck, habang binabaybay nila ang kalsada sa lugar nagulat siya nang bigla umanong may nahulog sa harap ng tanker truck.

"Nanggaling kasi kami ng Pasig magde-deliver kami ng oxygen doon sa Pampanga. Ngayon pagdating dito, nagulat na lang ako parang kung anong bagay na nahulog dito banda, pagkagulat ko, nag-full stop ngayon ako, pag nag-full stop ako loaded 'yan eh hindi naman agad hihinto 'yan," sabi ng driver ng tanker truck.

"Parang may naramdaman ako, may nagulungan, kaya inantay ko na lang na kinumpirma ko kung ano 'yung nagulungan ko. May nagsabi na sa akin, tao daw 'yung nagulungan ko kaya inantay ko na lang na may dumating na imbestigador," aniya. 

ADVERTISEMENT

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.


KAUGNAY NA ULAT:




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.